Balik sa P100 o higit pa ang presyo ng kada kilo ng asukal sa ilang palengke sa Metro Manila, bago ang milling season at nakatakdang sugar importation.
Batay sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), nagmahal ng P11 ang kada kilo ng asukal sa Blumentritt, Maynila, kung saan nasa P107 na ang presyo nito mula sa dating P96 noong isang linggo.
Tumaas na rin sa P100 ang kada kilo ng refined sugar sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila.
Habang, nasa P75 naman ang washed sugar at P80 ang brown sugar sa ilang pamilihan.
Nabatid na inaasahang darating sa Nobyembre ang 150,000 metric tons ng refined sugar na inimport ng bansa upang mapunan ang kakulangan ng suplay at mapababa ang presyo nito.
Facebook Comments