Presyo ng asukal sa Marikina Public Market, nanatiling mataas pa rin

Ikinadismaya ng maraming mga mamimili dahil walang pagbabago at nananatili pa ring mataas ang presyo ng asukal sa mga pamilihan.

Sa Marikina Public Market, P100 ang kada kilo ng puting asukal, P90 naman ang kada kilo ng brown na asukal habang P88 sa kada kilo ng light brown na asukal.

Ayon sa mga nagtitinda, dahil sa mataas na presyo ng asukal, matumal din ang kanilang bentahan.


Ito’y kahit pa pumasok na ang panahon ng tag-init kung saan asukal ay isa sa mga sangkap sa mga palamig.

Sa katunayan anila, ay 1/4 kilo lang ang kadalasang binibili ng kanilang mga mamimili.

Paliwanag ng mga nagtitinda, sana maramdaman ang epekto ng importasyon ng asukal ng bansa.

Nagtataka kasi sila sa kung bakit mataas pa rin ang pasa sa kanila ng kanilang mga supplier.

Facebook Comments