Presyo ng asukal sa mga pamilihan, target na mapatatag sa loob ng isang buwan ayon sa SRA

Inihayag ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na posibleng sa loob ng isang buwan pa magiging matatag ang presyo ng asukal sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Gayunpaman, sinabi ni SRA acting administrator David John Thaddeus Alba na hindi pa rin niya tiyak kung bababa muli sa P50 hanggang P70 ang kada kilo ng refined sugar sa mga pamilihan.

Pero, sinisiguro aniya ng ahensya na hindi hihigit sa P80 ang kada kilo ng asukal na mabibili ng publiko.


Sa ngayon kasi ay nasa P97 hanggang mahigit P100 ang presyo ng bawat kilo ng refined sugar.

Matatandaang, una nang ibinaba ng ilang malalaking supermarket ang presyo ng kanilang asukal sa P70 kada kilo.

Facebook Comments