Presyo ng asukal sa susunod na buwan, inaasahang bababa sa P60 hanggang P70 ayon sa SINAG

Inaasahan ng Samahan ng mga Magsasaka sa Agrikultura o SINAG ang pagbaba sa P60 hanggang P70 kada kilo ng asukal pagsapit ng October.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Rosendo So ng SINAG na batay sa kanilang monitoring ngayon, nasa P84 pesos hanggang P90 kada kilo ang asukal sa mga pamilihan, mas mababa kumpara noong isang buwan.

Aniya, anihan na ngayon ng tubo at magsisimula nang mag-produce ng asukal kaya magkakaroon na ng local supply ang bansa.


Hindi naman nakikita ni So na makaapekto sa presyuhan ng asukal at ng local produce ang paparating na 150,000 metriko toneladang imported sugar.

Sa halip aniya ay makatutulong ito sa pagdadag ng stocks kaya inaasahang bababa ang presyo.

Facebook Comments