Presyo ng asukal, tumaas

Nagmahal na sa ilang pamilihan ang presyo ng asukal.

Tinatayang nasa 100 pesos ang kada sako ng asukal, katumbas nito ang dalawang pisong dagdag sa kada kilo.

May ilang tindahan na ang nagbebenta 56 pesos kada kilo ng puting asukal, mataas ng anim na piso sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP) ng Sugar Regulatory Administration (SRA).


Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica – sa nakaraang limang taon, naglalaro lamang sa 1,400 hanggang 1,900 pesos ang presyo sa kada sako ng raw sugar at napapanatili sa 50 hanggang 55 peso kada kilo ng refined sugar.

Patuloy namang binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang galawan ng presyo nito.

Iginiit ni Secretary Ramon Lopez – walang dahilan para magtaas ng presyo ng asukal dahil maraming supply ng asukal.

Facebook Comments