Presyo ng baboy at manok sa ilang pamilihan, mataas pa rin

Nananatili pa rin ang mataas ng presyo ng baboy at manok sa ilang palengke sa bansa ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Sa Quezon City, muling tumaas sa P10 ang kada kilo ng baboy habang ang kasim at pigue ay nasa P370 na kada kilo mula sa dating P360.

Ang liempo naman ay tumaas pa sa P390 mula sa dating P380.


Nananatili namang mataas ang presyo ng buong manok na nasa P180 habang P190 ang kada kilo ng choice cuts.

Sa ngayon, paliwanag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), posibleng tumaas pa sa mga susunod na araw ang presyo ng manok at baboy kung patuloy na tataas ang presyo ng feeds at diesel.

Facebook Comments