Tumaas ng P30 kada kilo ang presyo ng karneng baboy at manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Ito ay sa kabila ng nararanasang African Swine Fever (ASF) at bird flu outbreak sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Pork Producers Federation of the Philippines Incorporated Vice President Nicanor Briones, inaasahan na nila na tataas ang presyo ng karne ng manok at baboy dahil tumataas din ang demand at hindi naman ganoon kadami ang supply nito dahil sa banta ng ASF at bird flu.
Sa Balintawak Market sa Quezon City at Divisoria sa Maynila, naglalaro na sa P330 hanggang P360 ang kada kilo ng kasim at pigue; habang nasa P400 hanggang P420 na ang kada kilo ng liyempo mula sa dating P380; at ang isang buong manok ay P210 hanggang P220 naman kada kilo.
Gayunpaman, tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na walang kakulangan ng supply ng karneng baboy at manok.