Presyo ng baboy, mananatiling mahal kung hindi matutunton ang mga trader na nasa likod ng manipulasyon nito

Mananatiling mahal ang presyo ng karneng baboy hangga’t hindi natutunton ang mga trader na sinasabing nagmamanipula sa presyo nito.

Ito ang pahayag ng grupong Laban Konsyumer sa harap ng muling pagsipa ng presyo ng baboy sa Metro Manila sa P400 kada kilo, tatlong araw bago mapaso ang umiiral na price ceiling.

Paliwanag ni Atty. Vic Dimagiba, marami nang ginawang paraan ang pamahalaan para maibsan ang epekto ng kakulangan ng supply ng baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).


Aniya, maski palawigin muli ang price ceiling, hindi mapapababa ang presyo ng karneng baboy kung hindi naman matutunton at mapaparusahan ang mga nagmamanipula sa presyo nito.

Giit ni Dimagiba, seryoso ang akusasyon kaya dapat na maisapinal ang report ukol dito at magkaroon ng mga rekomendasyon.

Dapat yung report na ganyan, ma-finalize and then magkaroon dapat sila ng recommendation. Syempre, due process of law naman yan, magfa-file ng kaso and then yung mga tao na na-identify, kung saan nila nakuha yung mga data na yan, i-submit nila ang report,” saad ni Dimagiba.

For as long as hindi mo tinunton yung accusation nila sa pamahalaan e walang stability sa presyuhan ng baboy,” dagdag niya.

Facebook Comments