Presyo ng baboy, posibleng pumalo sa P400 kada kilo ngayong “ber” months

Posibleng pumalo sa P400 ang kada kilo ng karne ng baboy ngayong ‘ber’ months.

Ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines (PROPORK), ito ay dahil sa bumababang suplay ng karne ng baboy na dulot ng African Swine Fever (ASF).

Marami kasing tinamaan ng ASF sa Northern Luzon at Mindanao, habang mabilis ding ibinebenta ang mga baboy kahit kulang sa timbang.


Dahil dito, kinalampag ng PROPORK ang pamahalaan na bilisan ang pamamahagi ng indemnification sa mga hog raiser na tinamaan ng ASF upang mahikayat silang i-report kung tumama ang sakit sa kanilang lugar.

Samantala, batay sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), tumaas sa P370 ang kada kilo ng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila, mula sa P355 kada kilo noong nakaraang linggo, habang humihirit naman ng P4.00 na dagdag-presyo sa sardinas ang mga manufacturer nito dahil sa pagtaas ng presyo ng tin can o latang ginagamit nila sa kanila mga produkto.

Facebook Comments