Presyo ng baboy, posibleng tumaas ng 20 pesos kada kilo

Posibleng tumaas pa sa 20 pesos kada kilo ang presyo ng karneng baboy sa Metro Manila.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Kristine Evangelista, magkakaroon kasi ng additional cost, kabilang ang pagbiyahe mula sa Mindanao at regular testing para sa African Swine Fever (ASF).

Nakikipag-coordinate ang DA sa mga suppliers mula sa Mindanao para matugunan ang supply shortage sa Luzon, resulta ng pagkatay ng mga baboy bunga ng ASF.


Matatandaang inirekomenda ng DA kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng price ceiling sa pork at chicken.

Ang price ceilings na ipinanunukala ng DA ay 270 pesos kada kilo sa kasim o pigue, 300 pesos kada kilo sa liempo at 160 kilo sa manok.

Facebook Comments