Presyo ng baboy sa ilang supermarket, pumalo na sa P500!

Umaabot na sa P500 ang presyo ng kada kilo ng karneng baboy sa ilang supermarkets.

Sa monitoring ng Quezon City Veterinary Office, umaabot na sa P479 ang presyo ng kada kilo ng pork belly, P485 sa pork steak, P495 sa ground lean pork, P505 sa pork chop skinless at P539 sa baby back ribs.

Habang sa mga palengke, dumami ang nagbebenta ng liempo sa halagang P400 hanggang P420 kada kilo.


Dahil dito, pinag-iisipan na ng Department of Agriculture (DA) na ibalik ang Suggested Retail Price sa baboy pero nag-iingat din ang ahensya para masigurong hindi malulugi ang hog raisers at mga konsumer.

Samantala, ang palitan ng piso kontra US dollar ay P48.39.

Facebook Comments