PRESYO NG BABOY SA MALIMGAS MARKET SA DAGUPAN CITY, TUMAAS

Tumaas ang presyo ng baboy, yan ang ayon sa ilang mga nagtitinda ng karne ngayon sa may Public Market o bilihan ng mga karne sa Downtown, Dagupan City.
Ang pagtaas pa rin ng presyo ng baboy ay dahil pa rin sa limitadong suplay at mga ni-require lamang na maaaring mag-angkat sa lungsod dulot ng African Swine Fever at dagdag pa umano ang pwesto ng pinagbebentahan ng mga tindera.
Ayon kay Mang Nestor, isa sa mga nagbebenta ng baboy sa naturang market, tinatalo rin kasi ng frozen goods ang mga benta nilang mga fresh na baboy.

Mas pinipili na lamang umano ng mga customer na bumili ng frozen dahil mas mababa ang presyo nito.
Sa ngayon, ang presyo ng mga baboy per kilo ay nasa 320-350php tulad ng Liempo na nasa 350php per kilo, laman ng baboy na nasa 240php per kilo, porkchop na nasa 330 per kilo at ribs na nasa 320 per kilo.
Kung mapapansin ay tumaas ng sampung piso ang bawat klase ng baboy sa Malimgas Market. |ifmnews
Facebook Comments