Manila, Philippines – Sumirit ang presyo ng baboy sa pamilihan dahil sa konting suplay nito bunsod ng mainit na panahon.
Simula noong Semana Santa, nasa dalawampung piso hanggang trenta pesos kada kilo ang itinaas sa presyo ng baboy.
Paliwanag ni Dr. Simeon Amurao ng Bureau of Animal Industry, maraming biik ang tinamaan ng “porcine epidemic diarrhea,” isang uri ng viral infection.
Sabi pa ng opisyal, inaasahan nilang babalik sa normal ang presyo ng baboy sa Hunyo.
Kaugnay nito, stable naman ang presyo ng bigas sa ngayon.
Ayon sa Department of Agriculture, sapat din ang suplay hanggang sa panahon ng anihan – kaya nagdesisyon ang gobyerno na ipagpaliban ang pag-angkat ng 250,000 metric tons ng bigas.
Kasabay nito, iminungkahi ni Calixto Chikiamco ng Foundation for Economic Freedom, isang grupo ng mga ekonomista, tuluyan ng buwagin ang monopolyo ng rice importation ng National Food Authority.
Samantala, nagpatupad naman ng 20 sentimong bawas presyo sa kada litro ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng Eastern Petroleum, PTT Philippines at Unioil habang 30 sentimo kada litro ang bawas sa gasolina at diesel ng Flying V, Petron, Seaoil at Shell.
Nasa 40 sentimo din ang bawas sa kerosine ng mga nabanggit na kompanya.
DZXL558