Presyo ng baboy sa mga pamilihan, walang masyadong pagbabago

Nananatiling matatag ang presyo ng baboy kahit mataas ang demand ngayong holiday season.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, tiniyak ng Hog Industry sa publiko na may sapat na supply ng baboy sa pasko at bagong taon.

Aniya, tinatayang nasa 170 hanggang 180 Pesos lamang ang Retail Price ng baboy.


Sa Price Monitoring ng Dept. of Agriculture, nasa 200 Pesos kada kilo ang Pork Ham o kasim habang nasa 220 Pesos kada Kilo ng Pork Liempo

Facebook Comments