
Mataas din ang presyo kada kilo ng ilang pangunahing isdang nabibili tulad ng bangus at galunggong sa palengke ng Sta. Barbara, Pangasinan.
Ayon sa ilang nagtitinda ng isda sa pamilihan, kakaunti ngayon ang suplay ng mga nasabing isda na naibabagsak sa kanila.
Sa ngayon, ang presyo ng bangus ay nasa P250 hanggang P260 ang kada kilo habang ang galunggong naman ay nasa P280 hanggang P300 kada kilo.
Matumal din umano ang kitaan sa mga nasabing produkto habang ang ilan sa isda ay nananatili sa presyo nito tulad ng tilapia na nasa P140 hanggang P150, daing na bangus na nasa P160, at sapatero na nasa P180 kada kilo.
Facebook Comments









