PRESYO NG BANGUS AT GALUNGGONG SA PALENGKE NG STA. BARBARA, MATAAS DIN

Mataas din ang presyo sa kada kilo ng ilang sa pangunahing isdang nabibili tulad ng bangus at galunggong sa palengke ng Sta. Barbara.

Ayon sa ilang nagtitinda ng isda sa pamilihan, kakaunti ngayon ang suplay ng mga nasabing isda na naibabagsak sa kanila.

Sa ngayon ang presyo ng bangus ay nasa 250-260 pesos ang kada kilo habang ang galunggong naman ay nasa 280-300 pesos ang kada kilo.

Matumal rin umano ang kitaan sa mga nasabing produkto habang ang ilan sa isda nananatili sa presyo nito tulad ng tilapia na nasa 140-150 pesos, daing na bangus na nasa 160 pesos at sapatero na nasa 180 kada kilo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments