Matapos ang nagdaang bagyo at sakunang dulot ng pagbaha noong mga nakaraang araw, ilan lamang sa mga lubhang naapektuhan ay sektor ng agrikultura sa Lungsod ng Dagupan.
Sa price monitoring ng IFM Dagupan sa mga tindera ng mga bilihing isda sa lungsod partikular na sa Magsaysay Fish Market, tumaas ang presyo ngayon ng mga isda gaya ng big size na bangus kung saan pumalo sa P160-170 kada kilo nito na dati ay nasa P130-150 lang.
Nasa P110-130 naman ang presyo ng maliit na bangus.
Habang ang tilapia at galunggong naman ay may paggalaw din sa presyo.
Itinuturing na dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga ito ay dahil sa pagtaas din umano ng feeds na pinapakain sa mga isda kung saan nasa P950 isang kaban ng feeds.
Samantala, sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihing isda, nananatili namang matatag ang suplay ng mga ito sa merkado. |ifmnews
Facebook Comments