Presyo ng bangus, bumaba ng bahagya; presyo ng ibang isda, stable pa rin sa Paco Market sa Maynila

Bahagyang bumaba ang presyo ng Bangus habang ang ibang isda ay stable pa rin sa palengke sa Paco Market sa Manila.

Bumaba ng P20 kada kilo ang presyo ng Bangus mula sa presyo nito kahapon na nasa P300 at ngayon ay nasa P280 na lamang.

Ayon sa mga taga palengke na ating nakausap, dulot daw ito ng panahon kung saan bumaba ang bagsak ng mga isda sa palengke.

Samantala, ang presyo naman ng ibang isda ay stable pa rin kagaya ng galungong na nasa P240 ang kilo at ang magandang klase nito ay nasa P280.

Tilapia na nasa P130 per kilo, tulingan na nasa P220 per kilo, matambakan na nasa P240 per kilo at alumahan na nasa P240 naman ang kilo.

Facebook Comments