Base sa pinakahuling monitoring ng Magsaysay Fish Market tumaas na ang presyo ng Bangus Dagupan kung saan pumalo na sa P200 kada kilo ng malalaking bangus kung dati ay nasa P160-180 lamang, ito ay dahil umano sa papalapit na holiday season at sa pagtaas ng ilang bilihin gaya na lamang ng gasoline, bigas at marami pang iba.
Samantala, nasa 150-160 naman ang katamtamang laki ng bangus.
Nagkakahalaga naman ng aabot sa 120-130 ang mga Bulacan bangus na tuwing lunes hanggang biyernes lang pumapasok sa lungsod.
Dahil dito apektado na rin ang ilang mamimili ng isda at itinaas na rin ng ilang tindera ng bangus sa pamilihan ang kanilang mga panindang isda.
Samantala, tumaas na rin ang ilang presyo ng isda gaya ng tilapia at galunggong kung saan ang tilapia ay nagkakahalaga na ng P80 kada kilo kung dati ay nasa P60 lamang.
ANg isdang galunggong naman ay pumalo na sa P180 kung dati ay nasa 160.
Tumaas man ang presyo ng mga isda sa lungsod ay naiintindihan naman ito ng mga mamimili dahil sa paggalaw ng ilang bilihin.
Ayon naman sa pamunuan ng fish market sa lungsod, matatag pa rin ang suplay ng mga isda na maaaring bilihin ng mga mamimili. | ifmnews
Facebook Comments