PRESYO NG BANGUS, NAKITAAN NG PAGTAAS ILANG ARAW BAGO ANG PASKO

Nakitaan na ng paggalaw ang presyo ng bangus sa pamilihan sa lungsod ng Dagupan.

Sa kasalukuyan, naglalaro sa P160 hanggang P170 ang per kilo ng bangus.

Ang presyuhan ng produkto, dumedepende pa sa laki nito.

Sa panayam ng IFM News Team sa ilang bangus harvesters, madalas sa ngayon ang pag harvest ng bangus dahil masagana umano ang produksyon nito.

Dagdag nila, inaasahan ang posibleng pagtaas pa sa presyo nito habang papalapit ang Kapaskuhan.

Samantala, nauna nang pinabulaanan ng SAMAPA ang napaulat na may kakulangan sa suplay ng bangus sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments