Mayroon nang pagbaba sa produktong bangus na mabibili sa Dagupan City.
Ayon sa ilang tindero sa Magsaysay Fish Market, pumapatak mula 160-180 pesos ang kada kilo ng bangus depende sa size ng produkto.
Bumaba ang presyo nito dahil maganda umano ang naging harvest ng mga growers dahilan ng pagdami ng suplay at pagbaba ng presyo sa kasalukuyan.
Matatandaan na noong mga nakaraang linggo sumirit ang presyo ng nasabing produkto na umabot sa 220-250 pesos kada kilo dulot umano ng nagdaang bagyo.
Sa ngayon, nakadepende umano sa magiging suplay ng produkto ang magiging presyuhan nito hanggang Disyembre kung kailan inaasahan nilang sisigla ang bentahan ng bangus. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









