Mataas pa rin ang presyo ng produktong bangus sa Dagupan City ayon sa ilang tindera ng isda sa palengke.
Sa Malimgas Public Market, nasa 250 pesos ang kada kilo ng nasabing produkto.
Ani ng tindera ng bangus sa nasabing pamilihan, mataas rin ang kanilang kuha sa kanilang supplier kung kaya’t hindi nila maibaba ang bentahan nito.
Isa ring dahilan umano ay kaunting semilya ng bangus sa mga palaisdaan pati na rin ang epekto ng nagdaang bagyo.
Hindi lamang sa Dagupan City, nakitaan rin ng pagtaas sa presyo ng bangus sa iba pang bayan tulad sa Sta. Barbara at Mapandan.
Sa kabilang banda, nasa 120 pesos naman ang kada kilo ng tilapia habang 300 pesos naman ang hipon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









