Nararanasan ngayon sa pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan ang mataas na presyuhan ng produktong Bangus.
Naglalaro ang presyo nito ngayon mula P170 hanggang P200 sa kada kilo.
Ayon sa ilang bangus vendors, nararanasan din daw ang kakulangan ng suplay na ipinagbibili sa mga ito.
Pinatotohanan ito ng ilang bangus growers na nakapanayam ng IFM News Team, dahilan na konti umano ngayon ang pinapalaki na mga isda dahil sa lagay ng panahon na umiiral ngayon.
Sa mga naunang pahayag ng Samahan ng Magbabangus ng Pangasinan o SAMAPA sa IFM Dagupan, nananatiling matatag umano ang suplay ng bangus sa lalawigan.
Samantala, wala namang malakihang paggalaw sa presyo ng ilan pang produktong isda, shellfish at seafood products sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









