PRESYO NG BANGUS SA PANGASINAN, TUMAAS

Nakitaan ng pagtaas ang presyuhan sa produktong bangus nitong mga nakalipas na araw sa mga pampublikong pamilihan sa Pangasinan.
Ayon sa Samahan ng Magbabangus ng Pangasinan o SAMAPA, bunsod pa rin ito ng epekto ng mga nagdaang mga bagyo na tumama sa lalawigan.
Pinatotohanan din ito ng mga bangus vendors dahilan ang bahagyang pagkonti ng mga nabibiling isda mula sa kanilang pinagkukuhanan.
Sa ngayon, naglalaro sa P200 hanggang P220 ang kada kilo ng bangus, depende ito sa laking bibilhin.
Samantala, bagamat nananatili ang epekto, patuloy naman ang ilang growers sa pagharvest ng bangus. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments