Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng pamunuan ng Department of Agriculture na bahagya ng bumaba ang presyo ng bawang sa merkado matapos ang mahigpit nilang pagtutok sa mga palengke sa buong bansa.
Sinabi ni Agriculture Usec. Ariel Cayanan, nasa 180 pesos na lamang ang kada kilo ng bawang sa merkado, mas mababa ng 20 pesos kumpara sa nakaraang linggo.
Ayon Kay Cayanan, may mga dumating ng suplay ng bawang mula sa China na inangkat ng mga private importers.
Paliwanag ni Cayanan sa mahigit isang libong import permits, nasa 817 na mga ito ang nagagamit para sa pagpasok ng mga imported na bawang.
Noong nakaraang buwan, dinagsa ng reklamo ang DA dahil sa pagtaas ng presyo ng bawang sa merkado kung saan umaabot ito sa 200 piso ang kada kilo.
Dagdag pa ni Usec. Cayanan, wala naman silang namomonitor na anumang hoarding ng bawang mula sa mga importers dahil talagang kapos lamang ang suplay nito.
Giit ng opisyal na maging ang mga magsasaka ng bawang sa Ilocos ay nagsabi na kapos din ang suplay dahil kakaunti lamang ang mga nagtanim ngayon taon.
DZXL558