Nagsimulang bumaba ang presyo ng mga bawang sa ilang mga public market kabilang na ang bagsakan market sa Urdaneta City, Pangasinan.
Bumaba ang presyo ng bawang dahil sa dami ng suplay ng imported garlic na galing sa bansang China.
Ayon sa ilang mga tindera, matapos dumating ang mga imported stocks galing China, ang dating isang libong piso kada bag ng native na bawang ay bumaba sa 600 pesos.
Sa ngayon, ang dating 200 pesos kada kilo ng bawang, ay bumaba sa 150 pesos kada kilo.
Habang ang imported na bawang naman ay nasa 90 pesos kada kilo.
Samantala, dagsaan naman ang mga tinderang namimili sa Balintawak Public Market sa Quezon City para doon mamili ng kanilang ititindang sibuyas at bawang.
Karamihan kasi sa mga native na bawang sa bansa ay nagkakaubusan na dahil sa baba ng nakukuhang porsyento sa merkado.