Presyo ng bigas at mais, kailangang patuloy na bantayan upang hindi tumaas muli ang inflation rate

Iginiit ni House Ways and Means Committee Chairperson at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na hindi dapat maging kampante sa gitna ng bumabang inflation rate.

Ayon kay Salceda, kailangan pa ring bantayan ang presyo ng bigas na pangunahing pagkain ng mga Pilipino gayundin ang mais na nakakaapekto sa presyo ng karne, manok, at isda.

Sabi ni Salceda, ang antas ng pagtaas ng presyo ng bigas ay nananatiling mataas at nasa 5.7%, habang 6.9% naman ang inflation rate ng mais.


Sa tingin naman ni Salceda, ang bumabang food inflation ay dahil sa bumabang presyo ng mga prutas, gulay, isda, at asukal.

Umaasa naman si Salceda na ang huminang inflation rate nitong Setyembre ay magbibigay ng pagkakataon sa administrasyon na pag-ibayuhin ang paggastos o mga programa na magpapasigla sa ekonomiya at magpapahusay sa social services.

Dagdag pa ni Salceda, pagkakataon din ito para makagalaw ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa harap ng adjustment sa interest rate levels ng US Federal Reserve at iba pang central banks.

Facebook Comments