Presyo ng bigas, bababa sa P42 kilo sa Hulyo

Masayang ibinalita ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pagsapit ng July ay bababa na sa ₱42 kada kilo ang presyo ng bigas na bagama’t malayo ay patungo na rin sa target na mas mababa sa ₱30 kada kilo.

Inihayag ito ni Romualdez, base sa pahayag ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) isang grupo ng mga stakeholder sa rice industry na binubuo ng mga seed growers, magsasaka, millers, traders, importers at retailers.

Binanggit ni Romualdez na ang pagbaba ng presyo ng bigas ay resulta ng desisyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na bawasan ang taripa na ipinapataw sa imported na bigas.


Facebook Comments