Presyo ng bigas, bangus at pulang asukal, tumaas ngayong Hunyo ayon sa PSA

Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa unang bahagi ng Hunyo

Ayon sa PSA, tumaas sa ₱0.07 hanggang sa ₱1.00 ang retail price ng kada kilo ng regular milled rice sa walong trading centers.

Paliwanag ng PSA, nagkaroon din ng pagtaas na ₱0.50 hanggang ₱25.00 sa kada kilo ng bangus sa pitong trading centers at pati na sa native bawang na tumaas ng ₱10.00 hanggang ₱30.00 kada kilo.


Maging ang pulang asukal ay patuloy ang pagtaas kung saan naitala ng PSA ang ₱0.25 hanggang ₱6.13 na dagdag sa kada kilo sa anim na trading centers.

Samantala, bumaba naman ang average retail prices sa kada kilo ng manok na may tapyas na ₱2.50 hanggang ₱20.00 sa anim na trading centers.

Gayundin ang bentahan ng saging na lakatan na may naitalang tapyas na mula ₱2.08 hanggang ₱15.00 sa anim trading centers.

Kadalasang malaking factor ang paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa inflation rate ng bansa.

Facebook Comments