Presyo ng bigas, bumaba

Mula sa dating P40 kada kilo, bumaba na sa P32 kada kilo ang presyo ng mga regular-milled rice sa ilang palengke sa Metro Manila.

Naglalaro naman sa P40 at P44 kada kilo ang presyo ng local well-milled rice.

Sa datos naman ng Department of Agriculture (DA), nasa P36 hanggang P40 ang prevailing price ng well-milled rice habang nananatili sa P27 ang kada kilo ng NFA rice.


Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, lalong bababa ang presyo ng bigas dahil mas marami na ang supply.

Sabi pa ng kalihim, sakaling maubos na ang NFA rice sa Setyembre magmumula na ang supply ng NFA mula sa mga local farmers.

Sa kabila ng pinsala ng El Niño sa mga pananim, tiniyak naman ni Piñol na wala pang one percent ng inaasahang rice production ngayon taon ang naapektuhan ng tagyuyot.

Facebook Comments