Presyo ng bigas, bumaba

Bumaba ang presyo ng bigas simula nang ipinatupad ang Rice Tariffication Law.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa prevailing price ng bigas sa National Capital Region (NCR) nasa P35 per kilo ang regular milled rice, P44 ang well milled, P46 ang premium at P50 ang special rice.

Simula Pebrero, pababa ang presyo ng bigas maliban noong Abril kung saan nagmahal ito ng mahigit piso kada kilo.


Kung titingnan naman ang presyo sa buong Pilipinas, nasa halos dalawang piso ang ibinaba sa presyo ng regular milled rice mula Pebrero hanggang Mayo.

Habang P1.50 naman ang well-milled rice.

Pero ayon kay Laban Konsyumer President Atty. Vic Dimagiba – hindi ito ramdam ng mga konsyumer.

Dapat aniya na maglabas ng bagong Suggested Retail Price (SRP) ang gobyerno para mas mapamura ang presyo ng bigas.

Wala pang komento ukol dito ang Department of Agriculture (DA).

Facebook Comments