Manila, Philippines – Pinatataasan ni Agricultural Partylist Representative Orestes Salon ang buying price sa palay na ani ng mga lokal na magsasaka.
Ang panawagan ay ginawa ng kongresita kasunod ng pagbuwag ng Pangulo sa National Food Authority (NFA).
Paliwanag ni Salon, makukumbinsi ang mga magsasaka na ibenta sa pamahalaan ang kanilang aning bigas kung mas mataas sa buying price na P17 pesos per kilo ang presyo ng pagbili dito.
Makakatulong ito dahil said na ang supply ng murang bigas sa merkado at sobrang mahal ng presyo ng commercial rice.
Naniniwala naman si Salon na kaya ng gobyerno na tapatan o kahit pa higitan ang buying price na itinakda noon ng NFA.
Facebook Comments