Presyo ng bigas, maibababa sa below 30 pesos na kada-kilo pagsapit ng Hulyo kung maamyendahan agad ang Rice Tariffication Law

Nagkasundo ang House of Representatives at Department of Agriculture (DA) na gawin ang lahat at magtulungan para makamit ang hangarin ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na below 30 pesos na ang presyo ng kada-kilo ng bigas, gayundin ang pagpapababa sa presyo ng iba pang pangunahing bilihin sa bansa.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, mahalagang maipasa at maipatupad sa lalong madaling panahon ang panukalang pag-amyenda sa Rice tariffication law na si-sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Matapos ang pulong ng mga kongresista at DA officials, nagpahayag naman ng pag-asa si Agriculture Secretary Francisco Laurel Tiu na maipapatupad ang pagbabago sa batas o sa RTL upang makakilos ang DA at makapagbenta ng murang bigas ang National Food Authority.


Facebook Comments