Presyo ng bigas, nagbabadyang tumaas sa Hunyo sakaling hindi makapag-import ang bansa sa Abril

Manila, Philippines – Nagbabadyang tumaas ang presyo ng bigas sa Hunyo hanggang Setyembre.

 

Ayon kay National Food Authority Spokesperson Mayette Ablaza, ito’y kapag hindi nakapag-angkat ng bigas sa Abril.

 

Paliwanag ni Ablaza, naghihigpit sila ng suplay sa lean months ng Hunyo hanggang Setyembre.

 

Kailangan kasing umabot sa tatlumpung araw ang buffer stock ng ahensya mula sa normal na buffer stock na labing limang araw.

 

Sa ngayon, sapat lamang aniya ang buffer stock ng ahensya para sa dalawang Linggo o 14-araw.

 

Sa kasalukuyan, normal pa din ang presyo ng regular na milled at well-milled rice sa merkado habang tumaas ng piso kada kilo ang premium rice.

 

Sinabi naman ng Alliance of Grains Industry Stakeholders of the Philippines, na natengga sa mga daungan ang mga imported na bigas kaya nagmahal ang presyo nito sa merkado.



Facebook Comments