Posibleng tumaas ang presyo ng bigas bukas.
Ayon sa mga rice retailer sa Trabajo Market sa Maynila, nasa tatlong piso hanggang apat na piso ang posibleng pagtaas nila sa presyo ng kada kilo ng bigas.
Ito ay dahil na rin sa mataas na presyo ng bigas na ibinabagsak sa kanila.
Sa interview ng RMN Manila, kinumpirma ni Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG President Rosendo So na ang dahilan ng biglang pagtaas ng presyo ng bigas ay dahil sa pagtaas ng farmgate price ng palay.
Tila sinisi naman ni So ang Department of Agriculture sa nasabing pagtaas dahil sa hindi nila pagtakda ng price ceiling sa bigas lalo na’t hindi naabot ang target na ani ng ilang magsasaka ngayong harvest season.
Batay sa price monitoring ng DA, umabot na ngayon sa ₱50 ang kada kilo ng local premium rice habang nasa ₱45 ang local well milled rice.