Presyo ng bigas, nakaambang tumaas dahil sa epekto ng El Niño

Nababadyang tumaas ang presyo ng bigas dahil sa epekto ng tagtuyot sa sektor ng agrikultura.

Ito ay sa kabila ng pagbaba ng presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Ayon kay Cris Panerio, National Coordinator ng Magsasaka at Siyentipiko para sa Pag-Unlad ng Agrikultura (MASIPAG), sisikapin kasing isalba ng mga magsasaka ang kanilang ani.


Bukod rito, gagastos rin aniya nang malaki sa krudo ang mga magsasaka para ma-ibyahe ang kanilang mga produkto.

Pero giit ni Agriculture Secretary Manny Piñol, hindi maaaring magmahal ang bigas dahil stable ang supply nito at marami ang inangkat.

Facebook Comments