Presyo ng bigas, nakaambang tumaas sa Marso

Asahan nang tataas ang presyo ng bigas sa Marso.

Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairperson Rosendo So, karaniwang kakaunti ang suplay ng bigas sa merkado tuwing Marso dahil sa Abril pa ulit magsisimula ang anihan.

Sa ngayon, nasa ₱23 na ang bili sa palay ng mga rice miler mula sa mga magsasaka.


Mas mataas ito sa ₱19 na presyuhan ng palay noong kalagitnaan ng Disyemre ng nakaraang taon.

“April ang umpisa ng anihan. April, May so itong March talaga wala pang masyadong ani kaya mataas ang presyo ng palay,” saad ni So sa interview ng DZXL.

“Kung makita natin sa merkado, yung dating ₱37 wala na. Yung well-milled rice e more or less nasa ₱40 to ₱41 going to ₱42,” dagdag niya.

Facebook Comments