Presyo ng bigas, patuloy na bumababa dahil sa pagbaha ng Local at Imported Rice ngayong harvest season

Patuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas bunsod ng pagbuhos ng Local at Imported Rice.

Ayon kay Dept. of Agriculture Secretary William Dar, bumubulusok ang presyo ng bigas dahil sobra na ang supply ng Imported Rice sa merkado.

Binalak din ng DA na patawan ng Special Safeguard Duties o karagdagang taripa ang Imported Rice upang mabawasan ang supply nito pero hindi ito itinuloy.


Inalmahan ito ng Philippine Chamber of Agriculture and Food sa desisyon ng kagawaran.

Lalagapak ang presyo ng palay kung magpapatuloy ang pagdating ng imported rice ngayong main harvest season.

Labag din sa batas ang hindi pagpapatupad ng Safeguard Duties.

Pero tugon ni Dar, wala silang nilalabag na batas.

Bago ang Disyembre, nangako ang DA na magbibigay ng 5,000 Pesos para sa mga magsasaka.

Facebook Comments