Naniniwala si Senate Committee on Agriculture and Food Chair Cynthia Villar na kayang maibenta ang bigas sa presyong ₱38 kada kilo.
Inihalimbawa ni Villar ang mga rice farmer sa Nueva Ecija na kayang makapag-produce ng palay sa halagang ₱8 kada kilo.
Paliwanag nito, kapag binili ng National Food Authority (NFA) sa mga rice farmer ang bigas ay papalo ito sa ₱16 kada kilo kaya pagdating sa mga pamilihan, rasonable na maibenta ito sa presyo na ₱38 kada kilo.
Kung ang puhunan ng isang rice farmer sa ₱24 kada kilo ng bigas at ibebenta ito sa ₱38 kada kilo ay tiyak na kikita pa rin ang mga magsasaka sa halagang ito.
Pinangangambahan kasi ng marami ang pagsirit na naman sa presyo ng bigas matapos na tanggalin ni Pangulong Bongbong Marcos ang ipinatupad na price cap sa bigas.
Tinukoy pa ni Villar na mas mura ang bigas sa ibang bansa dahil hindi competitive ang Pilipinas pagdating sa rice production.
Dahil sa nilikhang Rice Competitivenes Enhancement Fund, umaasa ang senadora na sa loob ng limang taon ay kayang makipagsabayan na ng Pilipinas pagdating sa mataas na produksyon ng bigas.