Presyo ng bigas sa Balintawak Market, bumaba na sa ₱50 kada kilo

Umaasa ang mga nagtitinda ng bigas na magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng presyuhan ng bigas.

Ayon sa tindera ng bigas na si Chona Aligano, mula buwan ng Enero hanggang ngayong ikalawang linggo ng Pebrero ay ₱5 na ang binawas sa presyo ng bigas.

Paliwanag nito na dati kasing ₱55 ang pinakamura nilang bigas na binebenta pero ngayon ay bumaba na ito sa ₱50 kada kilo.


Paliwanag nila, mas maganda na ang suplay ngayon ng bigas dahil may ibang sakahan na ang nag-ani.

Una nang tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na walang magiging problema sa pagkain ang bansa sa mga susunod na buwan sa kabila ng inaasahang pagtindi pa ng epekto ng El Niño.

Ayon kay DA Undersecretary Roger Navarro na matatag ang supply ng lahat ng crops commodities, lalo na ang bigas at mais gayundin ang baboy at manok.

Higit pa aniya sa pangangailangan ngayong buwan ang supply ng bigas matapos makapag-angkat ng 590,000 metriko tonelada.

Bukod pa ito sa inaasahang ani ng mga magsasakasa Marso at Abril Kaya naman hindi nila nakikitang magkakaproblema sa supply hanggang Hunyo.

Naniniwala rin ang isang grupo ng mga magsasakasa sasapat ang lokal na produksyon ng bigas ng El Niño.

Facebook Comments