PRESYO NG BIGAS SA DAGUPAN CITY, BUMABA

Bumaba na ang presyo ng bigas sa mga pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Nasa piso hanggang dalawang piso ang presyong ibinaba ng mga bigas sa merkado.
Ang pinakamurang commercial rice na dating 34 hanggang 36 pesos kada kilo ay nasa 33 pesos na ngayon. Ang regular rice o well milled rice naman ay nasa 36 to 38 pesos na, samantalang ang mga 1st class na bigay ay nasa 42 pesos.
Samantala, maaari pang bumaba ang presyo ng bigas dahil sa dami ng suplay nito na nagmumula sa Cagayan at Nueva Ecija.
Plano ring palakasin ng National Food Authority Region 1 ang palay procurement ngayong taon. At itaas naman ang buying price ng palay na naglalayong mahikayat ang mga magsasaka ng rehiyon na sa ahensya ang kanilang mga ani.
Facebook Comments