Bumaba na ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA), naglalaro sa P36 hanggang P40 ang prevailing price ng well-milled rice habang nananatili sa P27 ang kada kilo ng NFA rice.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, ito ay dahil sa pagdami ng supply sa merkado bunsod ng Rice Tariffication Act.
Sa ilalim ng Rice Tariffication Act, magtatanggal ng limitaston sa importasyon ng bigas kasabay naman ng pagpapataw ng taripa sa imported rice.
Paliwanag naman ni Gerald Glenn Panganiban, assistant director for regulatory operations ng Bureau of Plant Industry (BPI), ang pumasok na inangkat na bigas sa bansa ay nasa halos 170,000 metriko tonelada.
Mula raw ito sa hiling na 819,000 metriko tonelada mula nang ipatupad ang Rice Tariffication Act.