Matatapos na ang buwan ng Hulyo at wala pa ring pagbabago sa presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Isa sa inaabangang usapin na tatalakayin ng Pangulo BBM sa magaganap nitong SONA ay ang ukol sa sektor ng Agrikultura kung saan siya ang kasalukuyang namamahala at sekretarya ng naturang departamento.
Inaasahang mababanggit sa SONA nito ang ukol sa walang pagbabagong pagtaas ng presyo ng bigas gaya na lang sa ilang pamilihan sa Dagupan City kung saan pumalo na sa kwarenta pesos ang kada kilo nito.
Si Nanay Mila na namamalengke sa Malimgas Market, kahit pa umano siguro agahan niya ang papunta sa palengke para mamili, walang nagbabago sa presyo ng mga bilihin lalo na sa mga pangunahing pagkain gaya ng bigas.
Bagamat, expected na umano ng mga konsyumer ang imposibleng pag-abot sa bente pesos kada kilo ng bigas ay dapat naman daw sana ay mabawasan lamang ang presyo nito at hindi pagtaas ang nangyayari.
Sa ngayon, nananatili ang presyo ng bigas na may pagtaas ng limang piso ang kada kilo kung saan unti unti pinakamababa na ang trentay nuwebe pesos ang pinakamababang uri ng bigas at nasa kwarentay sais pesos naman ang magandang klase nito.
Ang mga tindera naman ng bigas sa palengke ay patuloy sa transaksyon at pagbebenta ng bigas habang inaantay na lamang ang magiging pagtalakay ng pangulo ukol sa usaping ito sa magaganap na SONA. |ifmnews
Facebook Comments