Presyo ng bigas sa Kadiwa ng Pangulo maaari pang bumaba ng P39/kg —DA Sec. Laurel

Umaasa si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na aabot pa sa presyong P39 ang kada kilo ng bigas sa mga Kadiwa ng Pangulo na nasa iba’t ibang mga lugar sa buong bansa.

Ito ang inihayag ngayon ni Sec. Laurel kasunod ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan para maghatid ng abot-kayang presyo ng mga produktong agrikultura sa sambayanang Pilipino.

Sa pag-arangkada ng P43 na presyo ng bigas para sa Rice For All Program sa Mandaluyong City, sinabi ni Laurel na mangyayari ito sa sandaling lumakas ang palitan ng piso kontra dolyar.


Ito, ayon sa kalihim, ay dahil ang presyo ng bigas ay sumusunod sa dikta ng pandaigdigang merkado.

Ang pagtayang ito sabi ni Laurel ay maaaring maramdaman o mangyari sa susunod na taon.

Facebook Comments