Manila, Philippines – Bahagyang tumaas ang presyo ng bigas sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Batay sa price monitoring ng Philippine Statistics Authority, limang piso ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng special rice sa Metro Manila dahil sa mababang suplay nito sa mga pamilihan.
Kinumpirma naman ng ilang rice dealers ang nasabing pagtaas kung saan sinabi nila na tumaas ng dalawampung piso hanggang tatlumpung piso ang kada sako ng bigas.
Sa kabila nito, dalawang piso naman ang ibinaba ng presyo ng kada kilo ng well milled rice sa lungsod ng cabanatuan sa nueva ecija na itinuturing namang rice bowl ng bansa.
Facebook Comments