Presyo ng bigas sa Metro Manila, nakitaan ng pagbaba – DA

Nakitaan na umano ng pagbaba ng presyo ang mga ibinebentang bigas sa mga palengke sa Metro Manila.

Ito ang naobserbahan ng Department of Agriculture (DA) kasunod ng naging pagbisita nito sa merkado sa pangunguna ni DA Assistant Secretary for Consumer Affairs, Genevieve Velicaria-Guevarra.

Si Guevarra ay sinamahan ng mga kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI) at mga opisyal ng Philippine Rice Industry Stakeholder Movement (PRISM).


Kabilang sa kanilang mga ininspeksyon ay ang Guadalupe Market, Farmers Market, at Nepa Q Mart, kung saan nakita nila na available ang well-milled rice sa halagang P45 kada kilo.

Taliwas ito sa nakita ng grupong SINAG na wala umanong makitang murang bigas sa mga pamilihan sa NCR.

Ayon kay Guevarra, ang nakikita nilang factor dito ay ang resulta ng ginawang pagpababa ng taripa sa rice importation mula 35 percent patungong 15 percent.

Sinabi pa ni DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra na nagkaloob pa ang DA ng ang karagdagang farm inputs upang mapataas ang produksyon at tuluyang mapababa ang presyo ng iba pang pangunahing bilihin sa susunod na taon.

Nauna ng sinabi ni Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa na ang publiko ay maaaring magsimulang makaramdam ng mas mababang presyo ng tinging bigas sa Agosto, kung kailan nagsimulang pumasok ang mga inangkat na bigas na may mas mababang taripa.

Facebook Comments