Presyo ng bigas sa mga Kadiwa store at istasyon ng tren, aasahang bababa pa dahil sa pag-arangkada ng Sulit Rice at Nutri Rice

Ilulunsad na Department of Agriculture (DA) ngayong Enero ang Sulit Rice at Nutri Rice kasabay ang pagpapalawak pa ng Rice for All program.

Kaya naman asahang bababa na sa ₱35 hanggang ₱36 na halaga ng kada kilo ang bigas sa Kadiwa ng Pangulo Centers, ilang piling pamilihan, at mga istasyon ng train.

Ayon kay DA Asec. Arnel de Mesa, nagsimula na ito sa National Capital Region at ngayong taon ay ipapakalat din sa ibang bahagi ng bansa.


Ang Sulit Rice na tinatawag na 100% broken rice na maganda pa rin ang kalidad.

Ang Nutri Rice naman ay ang bigas na nasa pagitan ng well-milled at brown rice, pero siksik pa rin ng sustansya at mabibili sa ₱37- ₱38.

Sasabayan pa ang mga inisyatibong ito ng mas pinababang presyo ng bigas sa ilalim ng Rice for All.

Mula sa ₱40 per kilo, ngayong Enero ay ibababa pa ito sa ₱38 hanggang ₱39 kada kilo.

Facebook Comments