Presyo ng bigas sa Muñoz Market sa QC, mataas pa rin

Dismayado ang karamihang mga mamimili dahil nsnsnstiling mataas ang presyo ng bigas na ibinebenta sa Muñoz Market sa Quezon City.

Nabatid na maliban sa mataas ang presyo ng bigas ay hindi rin available sa ilang mayroong pwesto ang regular at milled rice

Kapansin-pansin na ksramihan sa makikita rito na ibinebentang lokal ay imported na bigas ay pawang premium rice.


Napag-alaman na ang murang bigas na mabibili sa ₱52 ang pinakamahal ay nasa ₱59 kada kilo ng bigas.

Base naman sa pahayag ng ilang mayroong pwesto sa Muñoz Market, patuloy na gumagalaw ang presyo ng puhunan sa bigas, kaya wala umano silang magawa kundi ipasa na sa mga mamimili ang presyo na labis namang ikinadismaya ng mga ito.

Mas inaalala pa umano nila ang epekto ng El Niño na magpapababa sa produksyon ng bigas.

Facebook Comments