PRESYO NG BIGAS SA PANGASINAN, ASAHAN PA ANG PAGTAAS

Asahan ang patuloy pang pagtaas sa presyo ng bigas sa ilang mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan.
Bunsod pa rin ito san g nakikitang dahilan ng mataas na presyo ng palay na umaabot ngayon sa 22 to 23 pesos per kilo ang buying price nito sa merkado.
Isa ring dahilan ang pagtaas sa presyo ng mga farm inputs o ang mga kagamitang ginagamit sa produksyon ng mga magsasaka tulad na lamang ng mga equipment, at mga binhi. Dahil napatunayan sa paglipas din ng panahon ay tumataas ang presyo nitong mga pinagkukunan para sa produksyon.

Sa kasalukuyan, nasa 38 to 40 pesos kada kilo ang pinakamurang bentang bigas sa mga pamilihan sa Pangasinan. Nakitaan ng hanay ng sinag ang apat hanggang limang pisong pagtaas sa presyo ng local rice. |ifmnews
Facebook Comments