Mas ibinaba pa ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng bigas na ibebenta sa Rice-for-All program (RFA25) ng ahensiya.
Mula sa P40, magiging P38 na lamang ang kada kilo ng 25% broken rice variety.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, ipatutupad ang bagong presyo ng bigas sa January 20 sa mga piling palengke sa Metro Manila.
Maliban sa RFA25, isang critical component ng Kadiwa ng Pangulo initiative, na nag-aalok ng ibang affordable rice para sa consumers.
Kabilang dito ang RFA5 o ang 5% broken grains na nasa P45 per kilo, at ang RFA100, na 100% broken variety o “Sulit Rice,” na nabibili sa P36 per kilo.
Facebook Comments